Wednesday, November 10, 2010

Martes, Noviembre 9, 2010

Bakit ang isang payak na kaisipan o pangyayari sa buhay natin ay nagagawang maging kumplikado at masalimuot sa isang nilalang na...
....nakapagdudulot ng isang buntong hininga,
....mga oras na napapatingin sa malayo,
....ang pagbibiling-biling sa kanyang pagkakahiga...., at hindi pagkatulog
....ang pagiging tamilmil sa hapag kainan...., at tuluyan ng mawalan ng gana at hindi na makakain,
....ang pagpikit na mariin ng mata at piliting iwaksi ang tumatakbo at naglalaro sa kanyang isipan,
...........at huhugot uli ng isang napakalalim na buntong hininga na parang hinugot sa buong niyang kalamnan
     kanyang katawan, puso at kaluluwa....kung minsan nama'y kasunod ang mga salitang  "Haay...bakit..."

No comments:

Post a Comment