katatapos lang ng ikalawang operasyon ko sa patella o bao sa tuhod tinanggal ang alambre, titanium daw na siyang bumigkis ng nadurog kong buto at sa loob ng isang taon at walong buwan kong natiis ang bagay na kinabit sa aking tuhod.....pasko na naman ikalawang pasko ko... na hanggang dito lang ako sa aking kama..., nakakalabas hanggang sa tapat ng bahay....hindi basta makalayo... depende akong masyado sa aking apat na paang walker ... kulang na lang na masabing andador....
papasok ang taong.. 2012...katapusan na daw ng mundo sapagkat ito ang huling taon ayon sa kalendaryo ng mga Mayan....at magsisimula uli sila sa taong 0000 kay gandang panimula kung isasabay natin sa taon ng mga intsik at mga asyano na ito naman ang taon ng DRAGON.....ano kaya nag daratal sa atin bilang mamayan ng mundo at ng kalikasan...bilang nasyon...bilang tao ..at bilang ikaw...ako....
No comments:
Post a Comment