MALIGAYANG PAGDIRIWANG SA IKA- 407-KAPISTAHAN NG
NSTRO PADRE JESUS NAZARENO - January 9, 2014

Mahal na Poong Nuestro Padre Jesus Nazareno,
Akong abang makasalanan na naging dahilan sa iyong pagpapakahirap ay nagpupuri sa Iyo at nagpapasalamat, na bilang maamong kordero ay buong hinahong tinanggap ang kahoy ng iyong kamatayan upang doon malinis ako sa aking mga kasalanan at ng sandaigdigan. Hinihingi ko po ang iyong awa at kapatawaran sa lahat ng aking mga kasalanan sa iyo, sa sarili ko, sa asawa ko, sa mga anak ko at sa lahat...
Patawarin mo po ako, O Butihing Jesus Nazareno, inaamin ko ang aking mga sala at ako’y nananalig ng dahil sa kabutihang Mong walang kahulilim ay hugasan mo po ako ng iyong kabanal banalang dugo, iniibig kita at ipinangako na ako’y magiging matapat hanggang sa oras ng aking kamatayan.
Samo't dalangin ko po ang iyong tulong at mapagpalang biyaya sa aking mga kahilingan. Patnubayan mo po ako o Diyos ng iyong biyaya at pagindapatin ninyo po akong tuntunin ang landas ng iyong mga utos patungo diyan sa langit na iyong tahanan. AMEN.

No comments:
Post a Comment